Skip to main content

Pag-aalaga ng sarili pagkatapos manganak (Postpartum Care)




Ang pagiging ina ang isa sa pinakamahirap na propesyon. Kahit sabihin pa ng ibang working mom na mas mahirap ang nagtatrabaho, wala pa ring makakapantay sa pag-aaruga ng isang ina sa kanyang sanggol 24/7. Para sa mga bagong ina, ang pagkawalan ng tulog at pahinga ang pinakamahirap. Halos lahat ng bagong ina ay ito ang idinadaing. Dahil dito, nakakaramdam sila ng pagkahilo, pagsakit ng ulo, pagbaba ng timbang at pagbaba ng resistensya.
Sa bagong panganak na ina, mahalaga ang alagaan muna ang sarili upang maalagaan ng maayos ang bagong silang ng sanggol. Para sa akin hindi ito pagiging makasarili. Para ito sa ikabubuti ng dalawa. Ngunit paano?
Heto ang mga tips:

  • Kumain ng masusustansyang pagkain. Iwasan muna ang pagkain at paginom ng mga pagkain ng junkfood. Karaniwan sa mga ito ay sobrang alat o sobrang tamis na lubhang nakakasama sa kalusugan. Damihan ang tubig upang makatulong sa pagpapadami ng gatas ng ina. Maaari ding ituloy ang mga vitamins na iniinom noong nagbubuntis ka pa lamang ngunit kung sapat naman ang kinakain mula sa masusustansyang pagkain ay maaring hindi na kailanganin.
  • Magpasuso. Ang pagpapasuso o breastfeed at nagbibigay ng walang katumbas na benepisyo hindi lang sa sanggol kung hindi  sa mga ina din. Nakakabawas ito ng timbang. Katumbas nito ay ang pageehersisyo sa gym dahil nagsusunog ito ng calories.
  • Panatalihing malinis ang pangangatawan. Kung ikaw ay CS, huwag bayaang mabasa ang sugat dahil maaring pagsimulan ng impeksyon. Maligo araw-araw. Isang mabilisang ligo ay magdudulot na ng ginahawa. 
  • Upang makapagpahinga, sabayan ang sanggol sa pagtulog. Mas mabuti kung papatulugin mo sya sa paraan ng sidelying. Ito ay isa sa pinaligtas ng posisyon ng pagpapasuso hbang nakahiga. Dahil dito mas mapapabilis ang pagpapatulog ng sanggol at ito rin ang pagkakataon na sabayan ng tulog at pahinga. 
  • Humingi ng tulong sa asawa, anak, magulang o kung sino man na maaaring kailanganin. Ang bagong panganak ay mahina pa, kaya kailangan talaga ang taong tutulong sa mga gawaing bahay at iba pang gawaing pisikal na hindi pa maaaring gawin ng isang bagong panganak.
  • Halos lahat ng bagong panganak ay dumadaan sa depresyon. Iba-iba nga lang lebel nito. Kung sa umpisa pa lang ay nakakaranas na ng pagkalungkot o pagkabugnot, kausapin ang asawa, ibang miyembro pa ng pamilya o mga kaibigan upang ilabas ang nararamdaman.
  • Iwasan ang pag-iisipin ng kung ano-ano ng nagbibigay ng pangamba. Maraming support groups sa paligid at social media na makakausap o mapagtatanungan. 
  • Mag-follow up sa doktor.
Marami pang paraan upang maging malusog ang pangangatawan at isipan ng isang inang kakapanganak pa lang. Ilalahad ko pa sa mga susunod na detalye ng blog na ito.


Photobucket

Comments

Popular posts from this blog

Monday's Yellow & Blue: Greece Trolley Bus

Happy  Monday everyone! I'm here again for another yellow and blue Monday. My aunt who's working in Greece sent me pictures of beautiful sceneries there. Greece is a country of beauty and history. I wish I could go there someday. One of the pictures she sent me is a trolley bus. This trolley bus is one of the major transpo vehicle in Greece and did you know that it runs through electricity... It's my entry for:

GT: Techie Talk

I'm a techie person but I don't have enough budget to buy all those latest gadgets. my laptop and cellphones, camera and handycam were all given to me. :)) as of this moment, i want to have this one: hopefully i'll have it in a month or two. I really like it's feature and yet affordable (pero need pa ring pag-ipunan) Samsung Champ Duos WiFi E2652W  the second one that i would really wanted to have is an Apple Ipad. it would really a big help for if  I would have this. Sa klase ng trabaho ko na nakatutok sa PC, kahit i'm out I'd still can do my work. Apple Ipad

Blue Monday: Favorite Mug

I started my Monday with my favorite coffee at my working table. This mug happens to be my favorite mug, too!  Happy Blue Monday! You may want to check other's blue entry by clicking the badge bellow: