Skip to main content

Posts

Showing posts with the label palm sunday

Palm Sunday

Palm Sunday, Domingo de Ramos or Linggo ng Palaspas       Palm Sunday is the feast remembering Jesus' entry to Jerusalem. Ayon sa Bibliya, nang dumating si Hesus sa Jerusalem, nagwagayway ng palaspas ang mga tao bilang pagsalubong sa kanya. Ito rin ang hudyat ng simula ng Semana Santa.        Bilang paggunita, ang palaspas ay winawagayway at binebendisyunan ng pari. Ayon sa aking lola, ang palaspas ay nakapagtataboy ng masasamang espiritu. Noong bata pa ako, naaalala ko na nilalagay ito sa harap ng bahay upang maharang ang pagpasok ng masasamang espiritu. Kapag hindi ito nabendisyunan ay wala itong bisa.       We attended the mass at San Agustin Church at Baliuag. Third mass na ang inabutan namin at grabe pa rin ang dami ng tao. Maswerte at nakapasok pa kami sa loob at nakaupo. At syempre nabendisyunan ang aming palaspas. Pagwawagayway ng Palaspas Inside the San Agustin Church (Patagong kuha :D)