Sa moment na marealize nyo na malaki na pala ang inyong tiyan. Malapit na ang pagkikita nyo ng iyong pinakamamahal. Iba’t ibang pakiramdam…Masaya, natatakot, kinakabahan.
Ngunit gaano ka kahanda? Ngayong nalalapit na ang inyong due date, anumang oras ay maaari na syang lumabas o maaaring sa hindi pa inaasahang pagkakataon ay lumabas sya ng mas maaga. Ano-ano ang mga bagay na naka-ready na para pagpunta mo sa ospital?
Bukod sa paghahanda sa ating sarili, mapapisikal o emosyonal, kailangan din nating siguraduhin na nakaready na ang mga bagay-bagay na kakailangan para sa’yo at para sa sanggol.
Ano-ano ang mga bagay na kailangang i-prepare bago pumunta sa ospital?
Para sa ina:
· Ilang piraso ng mga damit ng pampalit. Mas mahalagang komportable kayo sa inyong susuotin. Magdala ng 2 o 3 piraso ng terno na pajama at isang susuotin pag-uwi sa bahay, mga underwear.
· Medyas, Paha o Guilder kung CS, mga bimpo at towel.
· Tsinelas.
· Mga personal na gamit pampaganda tulad ng make-up, lotion, oil, shampoo at paboritong sabon, lip-balm para sa tuyong labi, alcohol, toothbrush, toothpaste. Pantali sa buhok.
· Maternity pad, ilang pirasong adult diaper, at iba pang toiletries.
Para sa baby:
· Damit ni baby. Longsleeve, pajamas, booties, mittens. Magdala ng ilang piraso.
· Madaming diaper ni baby dahil mas madalas pa ang kanyang pag-poops, changing pad, bulak, wet tissue, mild soap.
· Blanket.
Huwag kalimutan:
· Mga importanteng dokumento tulad ID, philhealth, SSS. Pagsama-samahin at Ilagay sa isang envelop.
· Cellphone at camera para sa unang selfie nyo ni baby.
Comments
Post a Comment