tagalog poem
sinundan ko ng ikot ang washing machine,
ako ay nahilo, umikot ang paningin,
saglit na natulala, ako ay huminga ng malalim,
buti pa iyon, patuloy ang paggiling.
binuksan ko ang ref, kumuha ng tubig,
anong sarap ng inumin nitong kay lamig,
nilabas ko ang karneng myamya'y uulamin,
kahit ilang araw na'y pwedeng iluto't kainin.
sunod kong kinuha ang kampit at sangkalan,
paghiwa't pagpukpok aking inumpisahan,
hiniwa ang sibuyas, pinukpok ang bawang,
ang karne at sahog akin na ring isinalang.
kinuha ko ang kawaling kahit kay itim,
maitim ma'y ilang taon na naming kapiling,
sa paggisa, sa pagprito o anumang lutuin,
pati pancake ng anak ko naisalang ko na rin.
si sandok, maaari bang makalimutan?
hindi pwedeng hindi kasama sa lutuan,
si potholder, si plato, at syempre si kalan,
pag sila ang kasama buhay ay kay gaan.
sis ayos ah..original ba yan..?
ReplyDeleteoo naman..kanina lang habang naglalaba ako hehe!
ReplyDelete